Paano Gumawa ng Chalk Gamit ang Balat ng Itlog
Ginagamit natin ang chalk bilang panula, madalas itong ginagamit pangguhit ng mga bata sa daan. Sa atin piko ang laro na ginagamitan natin ng chalk para ipangguhit. Pero Alam mo bang makakagawa ka ng chalk gamit lang ang balat ng itlog. Totoo, at napaka dali lang nitong gawin.
Kailangan mo lang ay balat ng itlog ( at least 10 pieces ), harina, maiinit na tubig, mortar and pestle or grinder, paper towel at food color ( optional )
Para makagawa ng chalk gamit ang balat ng itlog, una munang gagawin ay linisin ang mga balat ng itlog at patuyuin.
Pagkatapos patuyuin ilagay ito sa mortal at pestle o kahit anong pandurog. Durugin ang balat ng itlog hanggang maging pino at powder na ito.
Pagkatapos, lagyan ng 2 kutsara ng Harina at sakto lang na maiinit na tubig ang pininong balat ng itlog at haluin. Haluin itong mabuti para makagawa ng paste.
Kung gusto mo naman na magkaroon ng kulay ang iyong chalk mag lagay ng food color.
Sumunod, kunin ang Paper towel, dapat ay makapal ito. At ilagay ang paste na nagawa.
I rolyo ang paper towel para magkaroon ng hugis ang chalk katulad ng nasa larawan. Hayaan itong naka rolyo hanggang matuyo.
Kapag tuyo na pwede mo na itong kunin at maari nang mag simula na gamitin ito.
Sa kasamaang palad ang chalk na gawa sa balat ng itlog ay hindi maaaring gamitin sa pisara kundi sa daan lamang gaya ng mga sideways and foothpaths. Ngunit ito naman ay tamang tama para sa kasiyahan dahil magagamit ito sa paglalaro gaya nalang sa piko.
Maraming salamat sa Pagbasa ng aking blog. Para sa iba pang content, mag like lang sa aking post.
Comments
Post a Comment